Apat na kompanya na sangkot sa smuggling ng mga imported na bawang at sibuyas mula China, inireklamo sa DOJ

Sinampahaan ng reklamong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ang apat na kompanya na responsable sa smuggling o pagpupuslit ng mga imported na bawang at sibuyas mula sa bansang China.

Ang reklamo ay inihain ng Bureau of Customs laban sa GBJ Consumer Goods Trading na nagpasok ng sibuyas sa Port of Davao na unang idineklara bilang mga sangkap sa pastries.

Tatlong shipment naman ang inilusot ng JDFALLAR Consumer Goods Trading sa Port of Cagayan de Oro na idineklara naman nilang cream cheese pero mga sibuyas rin ang laman.


Maging ang PDCC Consumer Goods Trading ay nagpalusot ng sibuyas kahit pa idineklara nila itong frozen puff pastry.

Kasama rin sa inireklamo sa DOJ ang Flevo Trading na sangkot sa maling deklarasyon ng apat na shipment ng mga bawang at dilaw na sibuyas.

Kasama ring inireklamo at iimbestigahan ng DOJ ang mga kasabwat na customs brokers na nagproseso ng importasyon ng mga nasabat na smuggled na produktong pang-agrikultura na nagkakahalaga ng P22.68 million.

Facebook Comments