APAT NA LALAKI, ARESTADO DAHIL SA PAGMAMAHJONG

Apat na lalaki ang nahuli sa aktong paglalaro ng mahjong sa Barangay San Vicente Norte, Agoo, La Union noong Oktubre 28, 2025.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal ang pinagsanib na pwersa ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company, Agoo Municipal Police Station, LUPIU, at PIT La Union RIU1.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang set ng mahjong at perang pantaya na umabot sa ₱38,400 sa iba’t ibang denominasyon.

Ang mga nahuli ay binigyan ng citation tickets bilang paglabag sa Municipal Ordinance No. 386-97 ng Agoo na nagbabawal sa anumang uri ng ilegal na sugal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments