Apat na lalaki, arestado sa ilegal na pagkakarera ng motorsiklo sa Quezon City

Quezon City – Arestado ang apat na suspek na ilegal na nagkarera ng mga motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) station 5 ang mga suspek na sina Deoneric Caber, Jason Caroscos, Albert Catalan at Ronaldo Dalina.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang apat sa isang drag race sa kanto ng Mindanao Avenue sa Commonwealth Avenue habang rumoronda ang mga pulis, ala-una ng madaling araw noong Setyembre 9.


Nabatid na motorcycle riders ang tatlo sa mga suspek habang ang isa ay tricycle driver.

Depensa ni Catalan at Dalina, hindi sila nangangarera at wala silang kinalaman sa ilegal na karera.

Hawak ng mga pulis ang dalawang tricycle at isang motorsiklong pag-aari ng mga suspek habang inihahanda na ang mga reklamong isasampa laban sa kanila.

Facebook Comments