Monday, January 26, 2026

APAT NA LALAKI ARESTADO SA ILEGAL NA SUGAL NA ‘PUSOY’ SA SAN FABIAN

Apat na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station (MPS) matapos mahuli sa aktong paglalaro ng “pusoy” noong gabi ng Enero 25, 2026, sa San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang mga naaresto edad 41,38,30 at 18 anyos na pawang residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadatnan mismo ng mga rumespondeng tauhan ang mga suspek habang aktibong naglalaro ng pusoy, na isang paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o ang batas laban sa ilegal na pagsusugal. Agad silang inaresto at nakumpiska ang iba’t ibang ebidensiya kabilang ang isang baraha, apat na monoblock na upuan, isang mesa, at bet money na nagkakahalaga ng ₱1,692.00 sa iba’t ibang denominasyon.

Ang mga naaresto, kasama ang mga nakuhang ebidensiya, ay dinala sa San Fabian MPS para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso. Patuloy namang nagpapaalala ang kapulisan sa publiko na umiwas sa anumang uri ng ilegal na pagsusugal upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments