Wednesday, February 18, 2026

APAT NA LALAKI, NAAKTUHAN SA TANGKANG PAGNANAKAW NG TRICYCLE SA LINGAYEN; ISA SA MGA SUSPEK, ARESTADO

Isang 29-anyos na lalaki ang naaresto matapos maaktuhang tinatangkang tangayin ang isang tricycle kasama ng tatlo pa nitong kasama sa Lingayen, Pangasinan kaninang madaling-araw, Pebrero 18, 2026.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo sa isang lamay ang biktima na kinilala bilang isang 29-anyos na shoppe delivery rider at residente ng Lingayen.

Kasama ng biktima ang dalawa pa—isang 37-anyos at isang 27-anyos–sakay ng pulang tricycle na kanilang ipinarada sa Barangay Quibaol.

Bumalik ang grupo makalipas ang ilang minuto at doon nila naaktuhan ang apat na lalaki na tinatangkang itakas ang naturang tricycle mula sa pinaparadahan nito.

Agad hinabol ng biktima at ng kanyang mga kasama ang mga suspek dahil ng pagtakbuhan ng mga ito.

Gayunman, naabutan at naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang isang 29-anyos na binatilyo at residente ng Bolinao, Pangasinan malapit sa isang resort sa Barangay Quibaol sa tulong ng rumespondeng mga pulis.

Nakatakas naman ang tatlo pa niyang kasamahan na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Matapos ng pag-aresto, dinala ang suspek sa kustodiya ng Lingayen Police Station ang para sa dokumentasyon at medicolegal na examination sa ospital. Inihahanda na ng pulisya ang kasong carnapping laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments