Apat na Lalaking Naglaro ng Mahjong sa Echague Isabela, Bagsak sa Kulungan!

Echague,Isabela – Naaresto at nakakulong na ang apat na kalalakihan matapos maaktuhang naglalaro ng sugal na mahjong sa Purok 7, Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na lumabag sa PD 1602 na sina Alison Vispo, apatnapu’t dalawang taong gulang; Bernardo Romero, apatnapu’t anim na taong gulang; Dennis Solatre, apatnapu’t limang taong gulang; at Teodulo Palma, limampu’t dalawang taong gulang, na pawang may mga asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa apat na kalalakihan ang mga gamit sa sugal na mahjong ang halagang isang libo at labing anim na piso (Php1,016).


Ang pagkakahuli sa mga suspek ay dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Echague Police Station at ng CIDG Santiago.

Facebook Comments