CARAGA – Tuluyan nang naging malaya sa filariases ang apat sa limang lalawigan sa CARAGA Region, ito ay ang mga probinsya ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Dinagat Islands.
Ayon kay Faith Opada ng DOH CARAGA, sa ngayon tanging ang lalawigan ng Surigao del Norte na lamang sa rehiyon ang patuloy na tinututukan ngayon ng ahensya dahil sa natalang kaso sa Filariasis noong nakaraang taon na aabot sa mahigit 120.
Sinasabing ang filariasis, ay isang pangmatagalang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok at isa sa pinakamalalang sintomas nito ang labis na pamamaga ng panlabas na henitalia, binti o braso.
Kaya nitong buwan, sa CARAGA partikular nakatutok sa deworming activity ang DOH sa lalawigan ng Surigao del Norte na endemic ang filariasis, para na rin magbibigay ng gamot laban sa filariasis.