Apat na litrong tubig kada araw, dapat tipirin ng mga konsyumer ayon sa NWRB

Apat na litrong tubig kada araw ang kailangang tipirin ng mga consumer ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

 

Ito ay kaugnay ng inaasahang pag-bagsak ng lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong linggo.

 

Ayon kay NWRB Executive Dir. Sevillo David, mahigit 12-milyong konsyumer ang sinusuplayan ng Angat Dam.


 

Kaya kung magtitipid ang mga konsyumer ng ilang litrong tubig ay posible aniyang maisalba ang mahigit 50-milyong litro ng tubig kada araw.

 

Sa Mayo, pinangangambahan ding sumadsad sa 170 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa epekto ng weak El Niño.

Facebook Comments