Apat na lugar sa bansa, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Odette

Ilang lugar sa bansa ang nagdeklara na ang state of calamity matapos masalanta ng Bagyong Odette.

Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Ayon kay Mayor Ariel Non, aabot sa 800 na pamilya ang inilakas mula sa Barangay Dahican, Dayhagan, at Salvacion dahil sa epekto ng bagyo.


Aniya, mayroong P300,000 na quick-response fund ang lokal na pamahalaan ng Camarines Norte para makapaghatid ng tulong at pagkain sa mga residente.

Isinailalim din sa state of calamity ang Cebu at Cebu City dahil sa iniwang pinsala ng bagyo sa nasabing lalawigan.

Paliwanag nina Cebu Gov. Gwen Garcia at Cebu City Mayor Michael Rama, matinding napinsala ng Bagyong Odette ang mga tahanan, gusali, at iba pang imprastraktura na nagdulot ng blackout sa buong probinsya at kakulangan ng tubig.

Maliban dito, nagdeklara rin ng state of calamity ang Butuan City matapos ang matinding pagbaha at kawalan ng kuryente sa 16 barangay.

Facebook Comments