APAT NA LUGAR SA PANGASINAN, KINOKONSIDERANG AREAS OF CONCERN SA MAGAGANAP NG BSKE

May apat na lugar na natukoy na mga kinokonsiderang Areas of Concern sa magaganap na Barangay and SK Elections sa buwan ng Oktubre.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, napag usapan ito sa naganap na pagpupulong kamakailan kasama ang ilang mga concerned agencies.
Mababang porsiyento ito aniya kung tutuusin dahil sa laki ng Lalawigan ng Pangasinan na may mahigit isang libong Barangay ay apat lang ang napabilang.

Natukoy ang nasabing mga Brgy. dahil sa ilang mga insidente na may kinalaman sa election nitong nakalipas.
Samantala, inihayag ni Atty. Salas na All Systems Go na ang Comelec sa magaganap na Filing ng Certificate of Candidacy next week para sa Barangay and SK Elections 2023. |ifmnews
Facebook Comments