Pasok ang apat na malaking unibersidad sa Pilipinas sa QS World University Rankings 2023 bilang mga nangungunang higher education institutions sa buong mundo.
Kinabibilangan ito ng University of the Philippines o UP; Ateneo De Manila University o ADMU; De La Salle University o DLSU; at University of Santo Tomas o UST.
Nanguna ang UP sa ika-412 na pwesto, sinundan ito ng ADMU sa 651 hanggang 700 bracket at kapwa namang nasa 801 hanggang 1,000 bracket ang DLSU at UST.
Ayon sa QS, kabilang sa criteria nito sa ranking ang ‘academic reputation to the number of international students enrolled’, maging ang employer reputation, faculty to student ratio, citation per faculty at international faculty.
Matatandaan noong 2021, 15 paaralan sa Pilipinas ang pasok sa 2022 QS ranking ng Best Asian Universities.