SITANGKAI, TAWI-TAWI – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagdukot ng Abu Sayyaf sa apat na Malaysian nationals na crew ng isang tugboat sa Sitangkai Tawi-Tawi.Sa ulat sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Spokesman Maj. Filemon Tan na nangyari ang insidente pasado alas-6:00 kagabi.Nakikipag-ugnayan na rin ang militar sa mga lokal na pulisya sa lugar para hanapin ang mga armadong grupo na miyembro ng Abu Sayyaf Group.Nagdagdag na rin ng pwersa ng pwersa ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa lugar.Una dito, sampung Indonesians ang dinukot din ng Abu Sayyaf habang sakay ng kanilang barko sa Languyan Island sa lalawigan din ng Tawi-Tawi.Nag-alok na rin ng tulong ang mga military officials mula sa Indonesia para sa mabilisang rescue ng kanilang mga kababayan pero hindi ito pinayagan ng pamahalaan dahil labag ito sa ating Saligang-Batas.
Apat Na Malaysian National Sa Tawi-Tawi, Dinukot Ng Abu Sayyaf Group Ayon Sa Armed Forces Of The Philippines (Afp)
Facebook Comments