Apat na mangingisda ang kasalukuyang nawawala sa katubigan ng Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sakay ang mga naturang mangingisda ng motorbanca na “Pepito 3” nang matanggap nila ang ulat na nawawala ang mga ito makaraang pumalaot.
Kaugnay nito, nagsagawa na ng Search and Rescue (SAR) operations ang PCG at Philippine Air Force (PAF) upang mabilis ang paghahanap sa mga nawawalang mangingisda.
Nagpadala na rin ng air assets ang PAF upang tumulong sa SAR operations.
Samantala, hindi pa rin malinaw sa mga awtoridad ang tunay na dahilan ng pagkawala ng mga mangingisda.
Gayunpaman, umaasa naman ang pamilya ng mga mangingisda na sumilong lamang ang mga ito sa ligtas na lugar dahil sa posibleng sama ng panahon.
Facebook Comments