Apat na mga ‘persons of interest’ sa pamamaril sa dating Bise Mayor sa Zamboanga Del Sur, inimbestigahan

Sa Lanao Del Norte, ini-imbestigahan ngayon ang apat na ‘persons of interest’, matapos silang ma-hold kahapon sa Maigo, Lanao Del Norte, dahil sa pamamaril kay dating Dumingag, Zamboanga Del Sur, Vice Mayor Naciancino Pacalioga.

Nangyari ang pamamaril, pasado alas-8:00 kahapon ng umaga sa may Barangay Esperanza, Bacolod, Lanao Del Norte.

Ayon kay Senior Inspector Jake Peralta, hepe ng Maigo Municipal Police Station, apat na mga lalaki na sakay ng isang itim na hi-lux ang pinara sa may checkpoint, ilang minutos matapos ang pamamaril.


Ngunit wala pang ibinigay na ibang detalye si Peralta tungkol sa apat dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Aniya, i-turn over ang mga ito sa Bacolod Municipal Police station pagkatapos ng imbestigasyon dahil ito ang may hawak ng kaso.

Nagpapagaling na ngayon sa isang hospital sa iligan si Pacalioga matapos magtamo ng mga sugat dahil sa pamamaril.

Facebook Comments