Nasa apat na milyong Pilipino ang nanganganib na magkaroon ng cardiovascular diseases (CVDs) o sakit sa puso.
Ayon kay Philippine Heart Association (PHA) President Orly Bugarin, ang apat na milyong Pilipino na ito ay mayroong diabetes at mataas ang tiyansang ma-develop bilang CVD.
Sinabi ni Bugarin na ang mga pasyenteng may diabetes ay dalawa hanggang tatlong beses ang kanilang risk na magkaroon ng sakit sa puso.
Nasa anim na taon ang nababawas sa buhay ng tao kapag mayroong diabetes at dagdag na 12 taon kapag mayroong cardiovascular diseases.
Bagamat maaaring hereditary o namamana ang diabetes mula sa mga magulang, sinabi ng mga medical experts na maaari itong maiwasan ng mga kabataan kung maaga nilang malalaman ito.
Ang Pilipinas ay kabilang sa top 5 na bansa sa Western Pacific Region na may mataas na kaso ng diabetes na kadalasang nakukuha ng mga working people o sa kanilang productive years.