Apat na miyembro ng ASG na sangkot sa pagdukot ng mga crew ng isang Vietnamese vessel, arestado

42

Manila, Philippines – Arestado ang apat na hinihinalang miyembro ng Abu Sayaff na sangkot sa pangingidnap sa mga tripulante ng Vietnamese ship sa barangay Ulame, Lamitan City.

Kinilala ang mga ito na sina; Taha Upao, Bryan Upao, Ibrahim Akhmad at si Ibno Akhmad na miyembro pa ng cafgu.

Sa inisyal na imbestigasyon, sumama ang apat sa pag-atake ng Vietnamese vessel MV royal 16 noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Sibago Island kung saan anim na crew ng barko ang kanilang kinidnap.

Una nang pinugutan ang dalawang dayuhan habang ang isa ay nagawang makatakas.

Facebook Comments