Apat na miyembro ng KFR Syndicate, patay sa shoot-out sa Carmona Cavite

Manila, Philippines – Patay ang apat na miyembro ng Kidnap for ransom group sydicate matapos ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Carmona Cavite kaninang alas 4:36 ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Cavite Police Provincial Directr Sr supt William Segun.

Aniya nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng PNP AKG sa pangunguna ni psupt arthur masongsong laban sa grupo ng KFR dahilan ng pagkamatay nito sa san lazaro road sitio ulong tubig bgry mabuhay Carmona.


Sa ulat pa ng PNP nagsimulang isurveillance ang grupo kagabi pa lamang nag simula sa may Pala Pala Dasmariñas Cavite.

Pero nagkabarilan sa bahagi na ng Carmona Cavite.

Nakuha ng pulisya sa pinangyarihan ng shoot out ang tatlong 9mm at isang kalibre 46 baril.

Naalis na ang apat na bangkay sa crime scene at nasa punerarya na.

Facebook Comments