Magkasunod na nagbalik-loob sa pamahalaan nitong ika-16 ng Agosto ang dalawang babaeng rebelde na parehong residente ng Sitio Dunoy, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela habang sumuko naman ang dalawang lalaking rebelde na kapwa residente ng Sitio Villa Miranda, Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela noong ika-17 ng Agosto taong kasalukuyan.
Sila ay napasuko ng pinagsanib na pwersa ng 1st IPMFC, San Mariano MPS, CIDG Isabela PFU, 201st RMFB2, 142SAC, PNP-SAF, RIU 2 at sa pakikipag koordinasyon sa 86IB at 95IB 502nd BDE, Philippine Army.
Ito ay sa pamamagitan na rin ng patuloy na negosasyon ng 1st IPMFC Action Agent at pagsisikap ng pamahalaan sa pagpapatupad ng EO 70 / NTF- ELCAC.
Nagbigay daan rin sa pagsuko ng mga tagasuporta ng NPA ang mga isinasagawang aktibidad ng kapulisan at kasundaluhan tulad ng Retooled Community Support Program (RCSP) aktibidad, Project MASK (Malasakit: Akmang Sagot sa Krisis) at Project SUBLI (Sarili mo’y Uusad Biyayang Laan na aming Igagawad).
Ang mga sumukong rebelde ay sinamahan ng mga CTG tracker team sa 1st IPMFC Headquarters para sa taktikal na interbyu at pagproseso ng kanilang mga dokumento para sa ECLIP Package tulong sa ilalim ng EO 70.