Apat na miyembro ng PSG, sugatan sa engkwentrosa Arakan Cotabato

Apat na miyembro ng Presidential Security Group ang sugatan matapos ang nangyaring ekwentro sa pagitan ng New People’s Army at sampung miyembro ng PSG kaninang pasado alas sais ng umaga sa Arakan Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni PSG Spokesperson Lt. Col. Michael Aquino.

Dalawa sa mga sugatang sundalo ay kinilalang sina Corporal Rodel Ledesma at Staff Seargent Gery Tosal.


Nilinaw naman ni Aquino na hindi pananambang ang nangyari sa halip ito ay engkwentro.

Aniya papunta ng Davao ang kanilang tropa pero pagsapit ng arakan Cotabato nakita nila na may checkpoint kaya huminto sila pero nakita nila na hindi pala mga sundalo ang mga nagsasagawa ng checkpoint.

Nang mapansin ng mga kalaban na nakahalata na sila ay dito na sila pinagbabaril ng mga rebelled.

Gumanti naman agad ng putok ang mga PSG habang sakay ng dalawang sasakyan.

Facebook Comments