Apat na MOA sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas, nalagdaan na

Napirmahan na ang ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga sa Bogor Presidential Palace sa Jakarta, Indonesia.

Kabilang dito ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa plan of action mula 2022 hanggang 2027 na naglalayong lalo pang palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa.

Nalagdaan din ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas hinggil sa cultural cooperation, renewal ng kasunduan para sa defense cooperation, at development, promotion sa kalakalan at ekonomiya.


Kabilang sa mga lumagda sa mga kasunduang ito ang kinatawan ng bansa na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Department of Trade and Industries (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sinaksihan nina Pangulong Marcos at President Joko Widodo.

Facebook Comments