Apat na most wanted person, naaresto sa manhunt operation ng CIDG sa magkakahiwalay na lugar

Huli ang apat na most wanted person matapos na isagawa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang Oplan Pagtugis sa Camarines Sur, Mandaue City, Manila City at Zambales sa loob ng isang araw.

Sa ulat ng CIDG, unang naaresto sa Panoypoyan, Bula, Camarines Sur ang isang Dante Balantac na may kasong murder.

Pangalawang naaresto ay si Loiji Kristofferson Arreglo na may kasong Acts of Lasciviousness na nahuli sa Brgy. Ibabao Estancia, Mandaue City.


Habang ang pangatlong nahuli ay si Michelle Villacarlos na may kasong pagnanakaw na naaresto sa Tondo, Manila at pang huling nadakip ay si Macky Reyes na may kasong robbery na nahuli sa Calapacuan, Subic, Zambales.

Si Balantac ay No. 1 most wanted person sa Cagayan, Cagayan Valley, habang si Arreglo ay No. 5 most wanted person sa Lapu Lapu City.

No. 7 most wanted person naman si Villacarlos sa Parañaque City habang si Reyes ay No. 7 most wanted person din sa Manila City.

Facebook Comments