SULU – Kinumpirma ng Amred Forces of the Philippines o AFP na pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang apat na natitirang Indonesian na kanilang binihag sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi noong Abril.Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, alas-2 kahapon ng hapon nang iturn over ng lokal na pamahalaan ng Jolo, Sulu sa afp joint task force ang apat na bihag.Aniya, ibinaba mula sa isang sasakyan ang apat na bihag sa tapat ng bahay ni Sulu Gov. Abdusakur Tan.Agad naman dinala ang mga pinalayang bihag sa Camp General Teodulfo Bautista sa Barangay Busbus para sa medical checkup.Sinabi naman ni Indonesian President Joko Widodo, na napalaya ang mga hostages dahil sa koordinasyon sa pagitan ng Jakarta at Pilipinas.Tahimik naman ang indonesia kung nagbayad ng ransom kapalit ng kalayaan ng mga hostages.Matatandaang una nang pinalaya ng Abu Sayyaf ang 10 Indonesian sailors na kanilang binihag matapos ang isang buwang pagiging hostage.
Apat Na Natitirang Indonesian Na Bihag Ng Grupong Abu Sayyaf, Pinalaya Na
Facebook Comments