Apat na OFW sa Qatar, nangangailangan ng agarang medical intervention at repatriation

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na apat na Pilipino sa Qatar ang nangangailangan ng medical intervention at repatriation.

Sila ay naka-confine sa Rumailah Hospital sa Doha, Qatar.

Isa sa kanila ay babaeng overseas Filipino Workers na nagkaroon ng severe stroke.

Sa ngayon, inaasikaso na ng DMW at ng Labor Attache’ sa Qatar ang mga dokumento para sa emergency repatriation ng apat na Pinoy.

Nadalaw na rin ng mga opisyal mula sa Philippine posts sa Qatar ang iba pang distressed OFWs sa shelter doon.

Ilan sa kanila ay nangangailangan ng legal assistance dahil sa iba’t ibang kasong kinakaharap sa nasabing bansa.

Facebook Comments