Apat na opisyal ng OVP, pinatawan ng contempt at pinaaaresto ng House Committee on Good Government and Public Accountability

Pinatawan ng contempt at pinaaaresto ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang apat na opisyal ng Office of the Vice President (OVP).

Kasunod ito ng hindi nila muling pagdalo sa pagdinig ngayon ng komite ukol sa kwestyunableng paggastos sa pondo ng OVP at ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga pinatawan ng contempt at pinaaaresto ng House Blue Ribbon Committee ay sina:


  • Atty. Lemuel G. Ortonio – Assistant Chief of Staff at Chairperson of the Bids and Awards ng OVP
  • Gina Acosta – Special Disbursing Officer ng OVP
  • Atty. Sunshine Charry Fajarda – dating Assistant Secretary ng DepEd
  • Edward Fajarda – dating Special Disbursing Officer ng DepEd at ngayon ay nasa OVP

Pinadalhan naman ng panibagong subpoena si Atty. Zuleika Lopez, ang chief of staff ni VP Sara na ngayon ay nasa ibang bansa at nag-aalaga umano sa tiyahin na may-sakit.

Dumalo naman sa hearing ang iba pang opisyal ng OVP na sina:

  • Atty. Rosalynne L. Sanchez – Director for Administrative and Financial Services ng OVP
  • Julieta Villadelrey – Chief Accountant
  • Kevin Jerome Tenido – Chief Administrative Officer
  • Ma. Edelyn Rabago ng Budget Division Office ng OVP.
Facebook Comments