Apat na Overflow Bridge sa Isabela, Hindi Madaanan

Ilagan, Isabela – Apat na mga overflow bridge sa lalawigan ng Isabela ang hindi madaanan dahil sa pag angat ng tubig sa mga ilog sanhi ng tuloy tuloy na pag ulan.

Ang apat na tulay ang Alicaocao Bridge ng Cauayan, Bucag-Annafunan Bridge ng Echague, Cansan-Bagutari Bridge ng Santo Tomas at Sta Maria Bridge na komokonekta sa Cabagan at Sta Maria, Isabela.

Mula pa noong Oktubre 31, 2017 ay nakakaranas ng madalas na pag ulan sa lalawigan Isabela at karatig lugar dulot ng tail end of a cold front at ng dumaang bagyong Ramil.


Dahil dito ay nagbigay paabiso ang Isabela PDRRMC sa mga mamamayan na mag ingat lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog.

Ayon sa PAGASA saklaw ngayon ng tail end of a cold front ang Hilagang Silangan ng Luzon na nagdudulot ngayon ng maulap na kalangitan at kalat kalat na pag ulan at ambon sa lugar na posibleng magdulot ng baha at pagguho ng lupa.

Facebook Comments