Inanunsyo ni Vice President Leni Robredo na apat sa kanyang mga staff ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa kabuuan, aabot na sa walong staff ng Office of the Vice President (OVP) ang tinamaan ng sakit.
Pagtitiyak naman ni Robredo na gagawin ng kanyang opisina ang lahat para maalagaan ang mga ito at ang kanilang pamilya.
Aniya, hindi naman nagpapakita ng malalang sintomas ang kanyang mga staff na nagpositibo sa sakit.
Sinabi ni Robredo na magpapatuloy ang work-from-home arrangements sa kanyang tanggapan habang pinaigting ang contact tracing.
Nanawagan ang Bise Presidente sa kanyang mga staff na manatiling matatag.
Pagtitiyak ni Robredo na tuloy ang vital operations ng OVP at mahigpit na ipinapatupad ang health safety protocols.
Nakikipag-ugnayan na si Robredo sa medical experts para alamin ang tamang panahon para sa muling pagbabalik ng operasyon sa kanilang opisina sa gitna ng pandemya.