Apat na pagbuga ng abo ng Bulkang Kanlaon, naitala ng PHIVOLCS

Nakapagtala ng 4 na pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa loob lamang ng isang araw ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang nasabing aktibidad ay nagtagal mula 21 minuto hanggang apat na oras at 35 na minuto.

Nakapagtala rin ng 25 na volcanic earthquakes kung saan kabilang ang 4 na volcanic tremors.


Samantala, nagbuga naman ang bulkan ng 2,200 na toneladang asupre.

Nasa 1,200 metro naman ang taas na plume kung saan walang patid ang pagsingaw nito at ang panaka-nakang pag-abo mula sa direksyon ng hilagang-kanluran, kanluran.

Dahil sa huling aktibidad nito, patuloy na pinag-iingat ng ahensya ang mga residente sa posibleng susunod na aktibidad nito.

Facebook Comments