Apat na party-list, naghain ng kandidatura ngayong ikaanim na araw ng COC filing

Naghain din ng Certificate of Nomination, Certificates of Acceptance (CON-CAN) si dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon para sa P3PWD Party-list.

Si Guanzon ang magsisilbing first nominee ng party-list para sa 2025 midterm elections.

Sa panayam sa kaniya na umabot ng bente minutos, sinabi ng dating COMELEC official na isusulong nila ang kapakanan ng mga tunay na marginalized sector sakaling palarin sa Kongreso.


Pinuri naman ni Guanzon ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pagdating sa isyung pang-international gaya ng patuloy na pamba-braso ng China sa ating mga karagatan.

Ayon kay Guanzon, bagama’t ayaw niya sa ilang pamamalakad ng pangulo pagdating sa korapsyon, suportado naman niya ang hindi pagyuko ng Pilipinas sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.

Si Guanzon ay kilalang kritiko ni PBBM noong 2022 elections at masugid na tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo.

Bukod sa P3PWD, naghain din ng ngayong umaga ang Pinoy Workers, Abante Pangasinan Ilocano – ABI, at Unyon ng mga Gabay ng Bayan – UGB.

Sa pagkasenador naman, sina Jimmy Bondoc, Junbert Guigayuma, Wilson Amad at Sixto Lagare.

Facebook Comments