Nais ng isang advocacy group na idiskuwalipika sa May 2019 election and 4 na partylist group dahil sa paglabag sa batas.
Sa ginanap na forum sa Manila Hotel grupong Kontra Brownout, hindi maituturing na Marginalized Sectors ang apat na Partylist group.
Sa Petisyon na inihain sa Comelec, pinaliwanag ni Atty. Marlin Velasco na ginagamit ng mga nasabing grupo ay ang public funds.
Nabatid na may subsidy mula sa Electric Cooperatives ang apat na Partylist na umano ay ginagastos ngayon sa pangangampanya ng apat na grupo ng respondents.
Paliwanag ni Velasco na ngayon lamang sila nakapaghain ng complaint sa Comelec dahil nangangalap pa sila ng mga ebidensiya noon dahil ang hawak pa lamang nila ay ang mga patunay na galing sa Davao Del Sur ngunit ngayon aniya ay nakumpleto na nila ang kinakailangang dokumento.