Hindi na pinahintulutan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapaglayag ang mga sasakyan pandagat sa Quezon Province dahil sa banta ng Bagyong Maymay.
Kabilang sa mga sinuspinde ng PCG ang operasyon sa Real Port, Burdeos Port, Dinahican Port at Polilio Port.
Sa ngayon ang 17 rolling cargoes, 6 barko at 10 motorbanca na ang pansamantalang nakahimpil.
Kinakalinga naman ng Philippine Coast Guard ang mga stranded na pasahero sa nasabing mga pantalan habang patuloy sila na naka-monitor sa lagay ng panahon.
Inalerto na rin ng PCG ang kanilang mga tauhan sa posibleng paglikas sa mga residente na malapit sa tabing dagat, prone areas na mga pagbaha at pagguho ng lupa kapag malakas ang pag-ulan.
Facebook Comments