Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na apat na babaeng Overseas Filipino Workers (OFWs) na patungo sana sa Dubai ang pinigilang makaalis ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng immigration authorities.
Ayon sa ulat ng Immigration Travel Control and Enforcement Unit, nagpanggap pa ang mga pinay na patungo ng Europe at doon magtatrabaho.
Papasakay na sila ng Emirates Flight papuntang Dubai ng pigilan sila ng immigration authorities.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagpakita ng valid work permits at visas ang mga pinay para sa Albania. pero sa bandang huli, inamin na ni-recruit sila para magtrabaho sa Dubai bilang household service workers.
Paliwanag ni Morente, ang kaso ng apat na OFW ay isang bagong modus operandi ng mga human traffickers at illegal recruiters.
Kukuha umano ang mga ito ng work permits at job contracts para sa kanilang biktima na makapagtrabaho sa ibang bansa, pero ang totoong actual work destination ay sa Dubai.