Apat na Pinoy mula Ukraine, nakatakdang dumating ngayong araw sa bansa

Apat pang Pilipino mula sa Ukraine ang nakatakdang dumating ngayon araw sa bansa.

Ito ay kasunod ng naunang anim na Pinoy na umuwi ng Pilipinas para sa voluntary repatriation sa harap ng patuloy na tensyon sa Ukraine.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, ngayong araw ang nakatakdang pagdating ng apat pa nating kababayan sa Manila na umalis sa Kyiv.


Nabatid na nasa 181 Filipinos na sa Ukraine ang nakikipag-ugnayan na sa konsulada.

Mahigit 400 na mga Pinoy ang nasa Ukraine ngayon kung saan karamihan dito ay household service workers

Facebook Comments