
Nakauwi na ng bansa ang apat na Filipino seafarers na binihag ng mga pirata sa Malabo, Equatorial Guinea nitong December 1.
Ang naturang mga Pinoy ay sakay ng LPG tanker CGAS Saturn nang sila ay bihagin ng mga armadong pirata.
Ang apat na Pinoy seafarers ay kabilang sa siyam na crew na naitalang nawawala matapos ang insidente.
Kalaunan ay nakumpirmang ligtas ang mga ito at agad namang pinalaya ng mga pirata.
Nabatid na tinangay rin ng mga pirata ang kanilang mga mahahalagang kagamitan.
Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang agarang tulong-pinansyal at iba pang kinakailangang assistance para sa pagbangon ng mga binihag na Pinoy crew members.
Facebook Comments










