Apat na presidential candidate na dumalo sa CBCP forum, hindi pabor sa muling pagbuhay ng death penalty

Hindi pabor ang 4 na presidential candidates na ibalik ang death penalty sa bansa.

Sa forum na inorganisa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Jesuit Communication, mariing tinutulan nina Vice President Leni Robredo, Ka Leody de Guzman, Norberto Gonzales, at Sen. Manny Pacqiuio ang pagbabalik ng capital punishment.

Ayon kay Pacquiao, bagama’t walang nakalagay sa bibliya na ipinagbabawal ang paggamit ng gobyerno ng dealth penalty, hindi niya nakikita na maaari itong ipatupad sa ilalim ng kasalukuyang judicial system.


Giit naman ni Labor Leader Ka Leody, ang patuloy na patayan dahil sa war on drugs ng administrasyon duterte ang patunay na hindi dealth penalty ang solusyon para maresolba ang krimen sa bansa.

Sinabi ni dating National Security Adviser Gonzales na importanteng ipakita sa lipunan na maling ginawa at bigyan ang mga ito ng pagkakataon na magbagong buhay.

Inihayag naman ni VP Robredo na sa batay sa pag-aaral, walang patunay na naging epektibo ang capital punishment para masolusyonan ang krimen sa bansa.

Giit nito, dapat ay ayusin ang judicial system sa bansa upang matiyak na mapapasusahan ang mga tunay na may kasalanan.

Nabatid na matagal nang tinututulan ng CBCP ang parusang kamatayan.

Facebook Comments