Apat na pulis na pumatay sa mag-ama sa ilalim ng war on drugs noong 2016, hinatulan ng korte

Guilty ang hatol ng Caloocan City Regional Trial Court sa apat na pulis na sangkot sa pagpatay sa mag-ama noong 2016.

Sampung taon na kulong ang kakaharapin nina Police Master Sergeant Virgilio Servantes, Police Corporals Arnel De Guzman, Johnston Alacre, at Argemio Saguros Jr. dahil sa kasong homicide.

Bukod pa ito sa P400,000 na babayaran nila bilang danyos sa naiwang pamilya ng mga biktima.


Batay sa official records, sinugod ng apat na miyembro ng Caloocan police sa bahay nina Luis Bonfacio at anak nitong si Gabriel noong September 15, 2016 bilang bahagi ng ‘oplan tokhang’ sa kasagsagan ng kampanya kontra iligal na droga.

Ayon namaan kay Mary Ann Domingo, lumuhod pa ang kaniyang asawang si Luis sa mga pulis habang nakatutok ang baril sa kaniyang ulo.

Samantala, kinaladkad naman daw sila at ang iba pa nilang anak palabas ng bahay at dinala sa isang van nang marinig ang putok ng baril mula sa loob ng kanilang tinitirhan.

Sinasabing nanlaban umano ang dahilan ng mga pulis kaya nila binarily ang mag-ama.

Matapos ang insidente, inireklamo ang mga pulis ng murder pero ibinaba ito sa kasong homicide.

Facebook Comments