Apat na pulis na sangkot sa pagpatay sa isang teenager na may special needs, sinibak na

Sibak sa pwesto ang apat na pulis na sangkot sa pagkamatay ng isang teenager na may special needs sa Valenzuela City.

Ang administrative relieved sa apat na pulis na sangkot sa pagpatay sa 18-taong gulang na si Edwin Arnigo na may autism ay bunsod na rin ng utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Pinangalanan naman ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga na-relieved na pulis na sina Police Master Sgt. Christopher Salcedo, Police Cpl. Kenneth Pacheco, Police Cpl. Rodel Villar at Police Cpl. Rex Paredes.


Hindi pa malinaw kung sino sa apat na pulis ang bumaril sa biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso dahil na rin sa magkakaibang testimonya ng mga pulis na rumesponde sa anti-tupada operation at ng pamilya Arnigo.

Facebook Comments