Apat na rehiyon sa bansa, itinuturing na episentro ng COVID-19 cases

Itinuturing na episentro ng COVID-19 ang apat na rehiyon sa bansa kabilang ang Metro Manila, Davao City, Calabarzon at Central Luzon dahil sa tumataas pa ring kaso.

Maliban dito, sinabi ni OCTA Research team Prof. Guido David na binabantayan din ng mga eksperto ang Bacolod City sa Western Visayas dahil sa pagsipa muli ng COVID-19 cases.

Habang nakitaan naman ng pagbuti ng sitwasyon ang Benguet at Iloilo.


Iginiit pa ni David na posibleng din sa mga susunod na linggo ay maramdaman ang increase sa COVID-19 cases dulot ng evacuees at mga nagsisipuntahan sa holiday markets tulad ng Divisoria sa Maynila.

Facebook Comments