Sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases sa Pilipinas ay may ibang rehiyon sa bansa ang nananatiling nasa ‘high risk’ category.
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may apat na rehiyon ang nasa naturang category.
Ito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley (Region II), Zamboanga Peninsula (Region IX), at MIMAROPA.
Habang nasa high risk classification pa rin CAR, Region 2 at Region 9 pagdating naman sa bed and ICU utilization.
Samantala, nagpapatuloy ang augmentation process ng kagawaran sa ilang ospital dahil na mataas na average daily attack rate (ADAR).
Pinaliwanag ni Vergeire na matagal namamalagi ang mga pasyente sa ICU bunsod ng kanilang kalagayan kaya mabagal ma-decongest o mabawasan ang bilang ng dami ng mga pasyente sa ospital.
Dahil dito, hinihikayat na mas paigtingin ang community response kontra COVID-19 upang mas kakaunti na lamang ang dinadala sa mga pagamutan.