Sa patuloy na nararanasang epekto ng Habagat sa lalawigan ng Pangasinan, apat mula sa anim na river system na tinututukan ay nasa above critical level na.
As of 9PM sa monitoring ng Pangasinan PDRRMO nitong July 23, Ang Marusay River sa Calasiao, mula sa Critical level nitong 8FT, umabot ang kasalukuyang lebel nito sa 10ft.
Ang Sinucalan River sa Sta. Barbara, Pangasinan, nasa 7.3MASL na rin ang lebel, habang ang Agno-Banaga sa Bugallon, na mula sa critical level nitong 1.8 masl, ngayon ay nasa 2.3m.
Ang Pantal River sa Dagupan City, above critical level na rin at nakataas na ang Orange Alert Status.
Dahil dito, maraming barangay sa mga bayan malapit sa mga nasabing kailugan ang nakararanas ng malalim at malawakang pagbaha.
Iginiit ng awtoridad ang paglikas na lalong lalo na ang mga naninirahan sa high-risk areas.
Patuloy ang forced evacuation sa mga residente, pagmonitor sa mga kalagayan sa mga barangay sa Pangasinan at pamamahagi ng relief packs. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









