Apat na sabungero kabilang na isang pulis, arestado ng PNP-IMEG sa Lahug, Cebu City

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang apat (4) na sabungero kabilang na ang isang (1) pulis.

Ayon kay Police B/Gen. Ronald Lee, hepe ng IMEG, nahuli ang apat sa ikinasang operasyon sa Sudlon, Lahug Cebu City kahapon at naaktuhan ang pulis na si Staff Sergeant Charlito Sanchez Tinoy ang nangunguna rito.

Nahuli silang nagtu-tupada at lumalabag sa health protocols ngayong may COVID-19 pandemic.


Wala silang suot na face mask at walang physical distancing habang nagsusugal.

Batay sa ulat ng IMEG Visayas Field Unit at Regional Special Operations Group Regional Intelligence Division, nakatanggap sila ng report sa regular na tupada na ginagawa sa nabangit na lugar kahit pa umiiral ang Enhanced Community Quarantine kaya ikinasa ang operasyon.

Nahaharap na ngayon sa patong patong na kasong kriminal ang mga nahuli.

Facebook Comments