Apat na sasakyan na ipinasok sa rent a car, nabawi ng RHPU BARMM

Sa Jolo, Sulu, Limang sasakyan ang nabawi ng Regional Highway Patrol Unit BARMMM sa bahagi ng Jolo Sulu nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay RHPU BARMM Director Police Lt.Col.Hersan Mojica, sa tulong ng Sulu Provincial Police Office at 11th Infantry Battalion at HPG Sulu at nabawi nila ang limang sasakyan  isang alarmadong Toyota Vios ang kanilang narecover na pag-aari ng isang taga Cavite, habang ang apat na SUV ay sangkot sa rent a car scam sa lungsod, dalawang Nissan Navarra, isang Ford Ranger at isang Mitsubishi Strada.

Nainpormahan narin ang mga owner ng sasakyan  na ipinasok nila ang kanilang unit sa ladins marketing para sa rent a car ngunit na missing ang kanilang sasakyan at hindi nabayaran ng rental.


Silay nagpaabot ng nagpasalamat kay Col.Mojica dahil nabawi ang kanilang sasakyan kahapon.

Facebook Comments