Nauwi sa pasasalamat ang pagbabasbas ng mga sasakyan sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag, matapos makaligtas ang mga deboto at motorista sa biglaang pagbagsak ng isang puno ng acacia sa blessing area ng simbahan, pasado alas singko ng hapon, kahapon.
Habang nakapila ang mga sasakyan para sa car blessing, bigla umanong nabuwal ang puno at bumagsak sa apat na sasakyan kabilang ang isang commuter van at isang bagong biling SUV na kapwa nagtamo ng malubhang pinsala. Nadamay rin ang dalawa pang SUV sa insidente.
Sa kabila nito, wala namang naiulat na nasugatan o nasawi.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at magsagawa ng clearing operations.
Samantala, tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag ang kanilang tulong at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng mga nasirang sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










