Nasangkot sa karambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Payocpoc Sur, Bauang, La Union bandang alas tres ng hapon noong Marso 25, 2026.
Ayon sa imbestigasyon, papuntang timog ang isang kotse nang mapunta ito sa linya ng kasalubong na isa pang kotse na patungong hilaga.
Dahil sa banggaan, nadamay ang dalawa pang kasunod na van na pareho ring papuntang hilaga.
Sugatan ang mga sakay ng tatlo sa mga sasakyan at dinala sa ospital sa San Fernando City para sa agarang gamutan.
Nagtamo rin ng pinsala ang lahat ng sangkot na sasakyan na kasalukuyang inaalam pa ang halaga ng pagkukumpuni. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










