Apat na simbahan, pagdarausan ng sabay-sabay na misa sa Pista ng Itim na Nazareno kasunod ng kanselasyon ng Traslacion 2021

Sa kabila na kanselado ang nakagawiang Traslacion may pagkakataon pa ring makadalo sa mga misa ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa January 9, ang Pista nito.

Ayon kay Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag, Deputy Chief for Operation, may apat na simbahan at lugar na itinakda para makadalo ng mga sabayang misa ang mga deboto.

Ito ay ang Quiapo Church, San Sebastain Church, Santa Cruz Church at Nazarene Catholic School.


Sinabi ni Binag na ginawa ito para maiwasan ang pagkumpulan ng mga deboto sa simbahan ng Quiapo.

Sa kasalukuyan pinag-aaralan na ng pamunuan ng Quiapo Church, Manila Local Government Unit (LGU) at ng Manila Police District (MPD) ang mga hakbang na gagawin para hindi na maulit ang nangyaring pagkumpulan ng mga tao sa labas ng simbahan ng Quiapo.

Ang tradisyunal na Traslacion ay kinansela ngayong taon dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments