Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea sa korte ang mgas suspek na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Kabilang sa mga ito ay ang umano’y mastermind na si Supt. Rafael Dumlao III, SPO4 Roy Villegas, Gerardo Santiago at Jerry Omlang.
Hindi naman naghain ng not guilty plea sa arraingment si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Dahil dito, iniutos ni Judge Irineo Pangilinan Jr. ng Angeles City Regional Trial Court branch 58 ang paghain ng not guilty plea para sa kaniya.
Nakatakda namang simulan ang pagdinig sa kaso ng nasabing mga akusado sa July 19, 2017.
DZXL558
Facebook Comments