APAT NA SUSPEK SA MGA KASONG CHILD EXPLOITATION, PARRICIDE AT ESTAFA SA REGION 1, NASAKOTE SA ISANG ARAW NA OPERASYON

Tiklo ang apat na tukoy na wanted persons sa Region 1 sa loob lamang ng isang araw na isinagawang operasyon ng Police Regional Office 1.

Sa San Fernando City, La Union, timbog ang isang 20 anyos na lalaki at haharap sa dalawang bilang ng kasong paglabag sa Republic Act No. 7610, also known as the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, at may inirekomendang piyansa na P80, 000 sa bawat kaso.

Naaresto rin ng mga kapulisan mula sa San Fabian Municipal Police Station ang 71 anyos na TOP 2 Most Wanted Person sa Quirino Province, kung saan may kaso itong attempted parricide at may P180, 000 na inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Hindi rin nakaligtas ang dalawang suspek at kabilang sa mga most wanted persons dahil sa kasong estafa sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Nasa kustodiya na ang mga ito ng awtoridad para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments