Apat na suspek sa pagtangay ng mga alahas ng maybahay ng Turkish Foreign Minister, tuluyan nang banned sa NAIA

Manila, Philippines – Tuluyan nang banned sa NAIA ang apat na tauhan ng Miascor na tumangay sa mga alahas ng Turkish Foreign Minister sa NAIA.

Ayon ka MIAA General Manager Ed Monreal, tuluyan na ring ipagbabawal sa lahat ng kumpanya sa NAIA premises ang apat na suspek na sina Yves Ronald Baguion, Wilson Mataganas, John Andrews Racoma at isang Mr. Alfaro, pawang mga ground handlers ng Miascor Corp.

Una ng inireklamo ni Madame Hulya Cavsoglu, maybahay ni Turkish FM Mevlut Cavusoglu ang pagkawala ng kanyang mga alahas sa NAIA na agad namang nabawi sa tulong ng airport authorities.


Hawak na ngayon ng kanilang employer na Miascor ang apat na suspek.

Facebook Comments