Apat na sweeper flight ng local carrier, aalis ng NAIA ngayong umaga

53

Patuloy na ang pagdagsa ng mga pasahero sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanilang domestic flights at international flights schedule ngayong araw.

Kasunod na rin ito sa muling pagbubukas ng mga Local Government Unit (LGU) sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sa mga umuwing pasahero partikular ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nakatapos na ng kanilang 14 days quarantine sa Manila.


Ngayong umaga, papaalis ang sweepers flight ng Cebu Pacific flight 5J 643 mula Manila patungong Puerto Princesa na inaasahang dadating ng alas-8:25 ng umaga.

Habang ang PAL flight 2P 4997 mula Manila patungong Zamboanga ay inaasahang darating ng ala-1:00 ng tanghali.

Ganun din ang PAL flight 2P 4453 mula Manila patungong General Santos City na nakatakda naman lumapag ng alas-2:00 ng hapon.

Habang ang Cebu Pacific flight 5J 644 mula sa Puerto Princesa ay inaasahang lalapag ng alas-11:50 ng umaga sa NAIA Terminal 3.



Maging sa Terminal 1 ng NAIA ay tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga pasahero na karamihan sa kanila ay mga OFW para sa kanilang flight schedule para bumalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments