Manila, Philippines – Nakatakdangpalayain ng New People’s Army ang apat na prisoners of war na nasa kanilangkustodiya.
Sa isang pressconference sa the Netherlands, sinabi ni National Democratic Front Panel ChairFidel Agcaoili na palalayain ng npa ang mga sumusunod na pulis at sundalo:
1. Private first class EdwinSalan (dinukot sa Alegria, Surigao Del Norte noong January 29)
2. Sgt. Solaiman Calucop(dinukot sa Columbio, Sultan Kudarat noong February 2)
3. Private first class SamuelGaray (dinukot sa Columbio, Sultan Kudarat noong February 2)
4. PO2 Jerome Natividad (dinukotsa Talakag, Bukidnon noong February 9)
Ayon naman kay BishopFelixberto Calang, kailangang magdeklara ng suspension of military operations osomo para maisagawa ang pagpapalaya ng nasabing mga prisoners of war.
Una nang pinalaya noonnakaraang buwan ng makakaliwang grupo ang mga bihag na sina paramilitary ReneDoller at paramilitary Carl Mark Nuco, na dinukot sa Lupon, Davao Oriental noongFebruary 14.
Ang pagpapalaya sa mgabihag ang isa sa mga kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para ituloy angpeace negotiations sa pagitan ng gobyerno at NDF.
Kasunod nito, inaasahangpalalayain naman ng gobyerno ang nasa dalawampu’t tatlong political prisoners.
Apat na tinaguriang “prisoners of war” ng NPA, palalayain
Facebook Comments