Apat na traffic enforcer na tumatanggap ng allowance sa isang paaralan sa Ortigas Avenue, pinatawan na ng preventive suspension order

Manila, Philippines – Pinatawan na ng preventive suspension order ang apat na traffic enforcer ng MMDA at kanilang hepe matapos ireklamo na tumatanggap ng allowance sa La Salle, Greenhills.

Batay sa reklamo, sinasakop ng nasabing paaralan ang dalawang lane ng ortigas avenue tuwing oras ng pasok at labasan ng mga estudyante.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, mismong enforcer na naka-aasign sa lugar ang nagsabing tumatangap sila allowance mula sa La Salle, Greenhills.


Sinabi naman ng isa sa mga enforcer na ayaw pagpapangalan, pumipirma sila ng attendance sa La Salle at tuwing katapusan natatanggap nila ang P50 allowance kada araw.

Sa pahayag naman ng La Salle, Greenhills, inamin nilang nagbibigay sila ng food allowance sa nasabing mga enforcer.

Pero paraan lang anila ito ng kanilang pasasalamat at hindi suhol para paboran ang mga sasakyang naghahatid sundo sa nasabing paaralan.

Maliban sa La Salle, Greenhills, tutukan rin ng MMDA ang anim na iba pang paaralan sa Ortigas Avenue.

Facebook Comments